Cooperative

Mc Arthur Highway Sumapang Matanda Sumapang Matanda CITY OF MALOLOS BULACAN
(044) 791 0941
www.srcdc.com

Edit Profile
Noong buwan ng Mayo, 1969, may ilang kalalakihan ang nagkatipon-tipon sa Plaza Daos. Sa kanilang pag-uusap, napadako sila sa usapin ng kapakanan ng mga mamamayan ng Sabitan at ng buong pamayanan. Ang grupo sa pangunguna ni Engr. Alfredo Aldaba ay nagkaisa sa panukala ni G. Ricardo Santos na magtayo ng isang Bangkong Pang-Nayon na kung tawagin ay Cooperative Credit Union. Ipinasya nila na atasan si G. Santos na makipag-usap sa mga namumuno ng San Dionisio Credit Cooperative Union upang tulungan sila sa kanilang pagtatayo ng kooperatiba. Sa panimulang kapital na P741.00, desididong matuloy ang proyekto, kaya matiyagang dumalo sa tatlong gabing seminar ang mga kalalakihang ito upang matutunan ang kinakailangang kaalaman sa pagtatayo ng isang koop. Pagsapit ng Setyembre ng taon ding iyon, naipatala nila ang Sabitan Cooperative Credit Union, Inc. sa Cooperative Administration Office.